Carlos Yulo Makes History in Sea Games 2022 for Winning 7 Medals | Sea Games 2022 Medal Tally


Hindi nga maitatanggi na si Carlos Yulo ang mukha ngayon, hindi lamang ng Philippine Gymnastics, ngunit ng Philippine Delegation sa SEA Games ngayong 2022.

Gumawa ng history si Carlos Yulo ng humakot siya ng 5 gold at 2 silver ngayong 31st SEA Games 2022.

Siya ngayon ang may pinakamaraming ginto sa delegation ng Pilipinas sa kasalukuyang tally. Pinantayan nito ang 5 golds ni Eric Buhain noong taong 1991 sa SeaGames Manila.

Nilampasan rin nito ang 4 golds at 2 silvers na nakuha ng legendary Filipina Bowler Bong Coo noong 1981 sa Manila.

At ang 4 golds at 3 bronzes ng Olympian swimmer na si William Wilson noong 1983 sa Singapore at pati na ang 4 golds, 1 silver at 1 bronze ni Miguel Molina noong 2007 sa Thailand.

Leave a comment